The Year That Was
December 31st, 2005 by collegemirandaHayyy…tapos nanaman ang isang taon. Parang kelan lang…hmmm recap nga tayo ng mga nangyari sa akin sa nakalipas na 364 days.
Let’s start…
January - Ngarag dahil sa ICEBAG TARUGO 4 at VARNA and FRIENDS. Ngarag sa paggawa ng damit for the fashion show at ngarag dahil sa pag-direct ng VARNA and FRIENDS.
February - SHOWTIME!!! Febfair–> laslas ever si bakla dahil sa mga dagok sa landas ng pag-ibig. Lowest point of my life (i think).
March - patapos ng 2nd sem. pasado ko lahat ng subjects ko! Naging kame ni Meow meow through text lang huh. tsk tsk tsk…baduy yah i know.
April - BORACAY BABY! BORACAY! Practicum ko sa X10 Events for the CAli Boracay Fever 2005! Ang saya! After ng practicum ko, POWERDANCE naman ako! Dance Galore!
May - Recital ng POWERDANCE.
June - Simula na ng 1st sem school year 2005-2006. 18 units ako. sa wakas after a ong time! Practice galore for PALACASAN 2005. Pinoy Fiesta Fever!
July - natalo kami sa cheering. Sad ako. Simula ng hindi ko pagpasok sa klase. ULTIMATE BIRTHDAY BASH!
August - Kartoon Chem Concert. Ok na sana lahat. Successful na sana kung hindi lang kami nilusob ng baranggay dahil wala raw permit ang place para magbenta ng beer at magpa-banda. Mas lalong sad ako. Simula ng depression ko. nalulong ako sa E for sometime. Adik mode ako. Tarugo 0 (ako si SUBO ang sugo ng pag-ibig)
September - Icebag 1. Sa 6 subjects na ni-register ko for the sem, 2 lang pinasa ko. excessive absences. Ayoko na kasing magpakita ng mukha sa campus kasi sad na sad ako.
October - Sem break! Umuwi akong Zamboanga dahil kinasla ang pinsan ko. Best man ako. Brineak ko si Meow meow dahil narealize kng hindi ko pala talaga siya mahal. Ang sama noh. Eh ganun na talaga.
November - 2nd sem! PROB ako! Gawa na ang script ng CUPID AND PSYCHE, ang dance drama na ididirect ko for February 2006. Practice for SEA GAMES OPENING CEREMONIES SA TACE LOS BANOS. Dance galore.
December - simula ng dance traing for the dance drama. Belly dancing galore at diet galore!
and to end the year right, I MET GABRIEL. *blush blush*
Hayyyy yun ang aking taong lumipas.. Sana ngayon 2006 maging mas masaya pa siya!
no more drugs. no more sad stories. no more laslas scenarios. I want everything to be peachy and dandy!
HELLO 2006! Who let the dogs out, arf arf arf arf!
The Year That Was
December 31st, 2005 by collegemirandaHayyy…tapos nanaman ang isang taon. Parang kelan lang…hmmm recap nga tayo ng mga nangyari sa akin sa nakalipas na 364 days.
Let’s start…
January - Ngarag dahil sa ICEBAG TARUGO 4 at VARNA and FRIENDS. Ngarag sa paggawa ng damit for the fashion show at ngarag dahil sa pag-direct ng VARNA and FRIENDS.
February - SHOWTIME!!! Febfair–> laslas ever si bakla dahil sa mga dagok sa landas ng pag-ibig. Lowest point of my life (i think).
March - patapos ng 2nd sem. pasado ko lahat ng subjects ko! Naging kame ni Meow meow through text lang huh. tsk tsk tsk…baduy yah i know.
April - BORACAY BABY! BORACAY! Practicum ko sa X10 Events for the CAli Boracay Fever 2005! Ang saya! After ng practicum ko, POWERDANCE naman ako! Dance Galore!
May - Recital ng POWERDANCE.
June - Simula na ng 1st sem school year 2005-2006. 18 units ako. sa wakas after a ong time! Practice galore for PALACASAN 2005. Pinoy Fiesta Fever!
July - natalo kami sa cheering. Sad ako. Simula ng hindi ko pagpasok sa klase.
August - Kartoon Chem Concert. Ok na sana lahat. Successful na sana kung hindi lang kami nilusob ng baranggay dahil wala raw permit ang place para magbenta ng beer at magpa-banda. Mas lalong sad ako. Simula ng depression ko. nalulong ako sa E for sometime. Adik mode ako. Tarugo 0 (ako si SUBO ang sugo ng pag-ibig)
September - Icebag 1. Sa 6 subjects na ni-register ko for the sem, 2 lang pinasa ko. excessive absences. Ayoko na kasing magpakita ng mukha sa campus kasi sad na sad ako.
October - Sem break! Umuwi akong Zamboanga dahil kinasla ang pinsan ko. Best man ako. Brineak ko si Meow meow dahil narealize kng hindi ko pala talaga siya mahal. Ang sama noh. Eh ganun na talaga.
November - 2nd sem! PROB ako! Gawa na ang script ng CUPID AND PSYCHE, ang dance drama na ididirect ko for February 2006. Practice for SEA GAMES OPENING CEREMONIES SA TACE LOS BANOS. Dance galore.
December - simula ng dance traing for the dance drama. Belly dancing galore at diet galore!
Hayyyy yun ang aking taong lumipas…CONCLUSION: SAD ANG 2005 ko. Sana ngayon 2006 maging masaya na siya!
Ano Kaya?
December 30th, 2005 by collegemirandaAno Kaya …
> …Kung hindi bakla si Kiko?
> …Kung manligaw ng babae si Kiko?
> …kung malaman ninyong may binuntis si Kiko?
> …kung pumuti, tumangkad, at tumangos ang ilong ni Kiko?
> …itsura ni Kiko pag long hair? Curls? Pixie cut? Keempee?
> …ano kaya ang tawag kay Kiko kung hindi Kiko ang palayaw niya?
> …kung 100 pounds nalang si Kiko?
> …si Kiko kung wala sa entablado? nasa banyo? nasa klase? nasa CR?
> …si Kiko kung wala nang lalaki sa mundo?
> …si Kiko kung buhay pa daddy niya?
> …unang salitang sinabi ni Kiko nung baby pa siya?
> Kamukha koba talaga si Val o Ciara Sotto? (Di ko tanggap to!)
Slapping a Friend
December 29th, 2005 by collegemirandaSLAPPING A FRIEND
A story tells that two friends were walking through the desert. During
some point of the journey they had an argument, and one friend slapped
the other one in the face.
The one who got slapped was hurt, but without saying anything, wrote in
the sand:
TODAY MY BEST FRIEND SLAPPED ME IN THE FACE.
They kept on walking until they found an oasis, where they decided to
take a bath. The one who had been slapped got stuck in the mire and
started drowning, but the friend saved him.
After he recovered from the near drowning, he wrote on a stone:
TODAY MY BEST FRIEND SAVED MY LIFE.
The friend who had slapped and saved his best friend asked him,
"After I hurt you, you wrote in the sand and now, you write on a stone,
why?" The other friend replied "When someone hurts us we should write
it down in sand where winds of forgiveness can erase it away. But, when
someone does something good for us, we must engrave it in stone where
no wind can ever erase it."
LEARN TO WRITE YOUR HURTS IN THE SAND AND TO CARVE YOUR BENEFITS IN
STONE.
They say it takes a minute to find a special person, an hour to
appreciate them, a day to love them, but then an entire life to forget them.
Do not value the THINGS you have in your life.. But value WHO you have
in your life! Love people, use things not use people love things.
Tonight I Can Write The Saddest Lines by Pablo Neruda
December 29th, 2005 by collegemirandaTonight I can write the saddest lines.
Write, for example, ‘The night is shattered
And blue stars shiver in the distance’.
The night wind revolves in the sky and sings.
Tonight I can write the saddest lines.
I loved her, and sometimes she loved me too.
Through the nights like this one I held her in my arms.
I kissed her over and over again under the endless sky.
She loved me, sometimes I did love her too.
How could I not have loved her great eyes.
Tonight I can write the saddest lines.
To think that I do not have her. To feel that I have lost her.
To hear the immense night, still more immense without her.
And the verse falls to the soul like dew to the pasture.
What does it matter if my love could not keep her.
The night is shattered and she is not with me.
This is all. In the distance someone is singing. In the distance.
My soul is not satisfied because it has lost her.
My sight searches for her as though to go to her.
My heart looks for her, and she is no longer with me.
The same night whitening the same trees.
We both of that time are no longer the same.
I no longer love her, that’s true, but how much I have loved her.
My voice tried to find the wind to touch her hearing.
Another’s. She will be another’s. Like my kisses before.
Her voice, her bright body. Her infinite eyes.
I no longer love her, that’s true, but maybe I do love her.
Love is so short and forgetting is so long.
Because through nights like this one I held her in my arms
My soul is not satisfied because it has lost her.
Though this is the last pain that she makes me suffer
And these the last verses I do write for her.
Pagmuni-muni
December 29th, 2005 by collegemirandaNgayong gabi, kasabay ng pagpatak ng ulan sa langit, kasabay ng payak na tunog ng electric fan sa aking tabi, iniisip kita.
Habang humihithit sa yosi, nakatulala sa mga kalat sa aking computer table, binabagabag ang isip ko ng mga alaala mo. Hindi naman ganoong katagal nung tayo’y nagkakilala. Mag-iisang buwan pa lamang ngunit parang kay tagal na ng panahong lumipas. Siguro ganun na nga talaga. Kapag natutuwa ka sa tao, kapag lubos na kinagagalak ng iyong kalooban ang isang tao, hindi mo mapapansin ang pagusad ng panahon. Hindi na importante ang tagal ng panahon. Ginugunita natin ang mga sandaling magkasama tayo. Mga sandaling aksidenteng mahahaplos mo ang aking kamay sa jeep. Ang mga sandaling inaamoy natin ang halimuyak ng ating katawan, ang bango ng ating hininga at ang init ng ating mga halik. Hindi na nating binibilang kung gaano katagal ang mga sandaling iyon. Sapat na ang malasap natin ang lahat ng iyon sa mga sandaling iyon.
Anong kanta ang nais mong awitin ngayon?
Anong nararamdaman mo ngayon?
Maaari bang magmahal ang isang taong hindi pa nalilimutan ang unang pag-ibig nito?
Bakit mo nasabi yan?
Hindi ako sumasang-ayon.
Ilan lamang yan sa mga madalas mong itanong sa akin kapag tayo’y magkasama. Ilan lamang iyan sa mga tanong hindi ko alam kung nabigyan ko ng tamang sagot. Ako, salita lang ng salita. Sa sobrang dami ng mga salitang umaapaw sa aking bunganga, ako’y nalulunod. Ikaw nga ang magsabi. May tama ba sa mga sagot ko?
Pabilis ng pabilis ang paghithit ko sa yosi. Mauubos ko na ata ang isang kahang Marlboro Menthol na kabibili ko lang kaninang hapon. Sa bawat hithit ng yosi, nilalasap ko ang pait nito, ninanamnam ko ang pagpasok ng usok sa aking baga, ang pagbilis ng pagtibok ng puso ko kapag binubuga ko na ang usok. Hithit ako ng hithit bumilis lang ang pagtibok ng puso ko at lumalim ang paghinga ko. Sa bawat paghithit at pagbuga ko, ikaw ang nasa isip ko. Ikaw. nagpapabilis ng pagtibok ng puso ko. nagpapalalim ng paghinga ko. Pero tulag ng yosi, nakamamatay ka kaya? Papatayin mo kaya ako? Naniniwala akong hindi. Gusto kong maniwalang hindi. Papaniwalaan ko ang bawat salita mo. Papaniwalaan kita kahit nakamamatay man ito.
matutulog na ako. Sumasakit na baga ko.
Ang PAyaso at ang Anghel
December 14th, 2005 by collegemirandaOo. Aaminin ko. Minsan din akong nanghumaling sa Mulawin. Mga taong nagmistulang mga ibon, may pakpak, lumilipad. Nanghumaling ako sa Mulawin hindi dahil andun ang aking idol na si Angel Locsin o ang aking Crush na si Richard Gutierrez. Nanghumaling ako sa Mulawin dahil naaalala kita. Di ko nga alam eh. Hindi mo naman kamukha si Richard at lalong di mo kamukha si Angel pero bakit ikaw lagi ang sumasagi sa isipan ko kapag nanonood ako ng Mulawin.
Gabi-gabi, sa aking pagtulog, lagi kong napapaniginipang lumilipad ako. Kagabi, napanaginipan kong lumilipad ako sa karagatan ng impyerno. Gadagat ang nagkalat na mga sunog na bangkay na gumagalaw. Maingay. Mabaho. Magulo. Sa tuktok ng bulkan, naandon and Demonyo. Naka-upo sa kanyang trono. Pinapalibutan ng apoy at naaagnas na mga katawan. Nilapitan ko ang Demonyo. Pero, imbis na saksakin ito ng espadang galing langit o buhusan ito ng Holy Water, hinalikan ko siya. Ang labi ng langit at labi ng impyerno–naglapat. Kakaibang init ang naramdaman ko sa aking panaginip. Hindi ko maintindihan.
Nagising akong basa ang kama sa naghalong pawis, ihi, at …tamod. Sa paggising ko, ikaw ang unang naisip ko.
Xmas party ng org namin. Exchange gifts. Dahil corny at walang tinge of creativeness ang nakabunot sa akin, isang napaka-cliche na angel figurine ang binigay sa akin. Ikaw nanaman ang naalala ko.
Pag-uwi ko ng Zamboanga, sa tuktok ng aming Xmas tree, ikaw ang naalala ko.
BAkit ganun?
*****
Nung gabing nagkita tayo, isang salita lamang ang sumagi sa isip ko–anghel. Hindi ito dahil kapangalan mo ang isang anghel. Well, i can only make a wild guess. Siguro dahil ang dami mong pinamahaging aral sa akin sa ilang oras na tayo’y nagkasama. Wala pa akong nakadaupang-palad na taong nakakaintindi sa akin at gusto akong intindihin. LAgi akong iniiwan, pinagtatawanan, kinakantyawan.
SAbi nga ng KAibigan ko, "Hindi porket sikat ka, maganda ka na. Hindi porket may fans ka, mas angat ka na sa iba. Hindi porket napapatawa mo ng malakas ang mga tao, mamahalin ka na. Prinsesa ang hanap ng bawat prinsipe. Reyna ang hinahanap ng bawat hari. Ang payaso pinagtatawanan lang. Ang payaso hindi hinahanap para mahalin. ang payaso hinahanap para pagtawanan."
OO. Payaso ako. Sana wag mo akong hanapin kung gusto mo lang tumawa. Sana wag mo akong hanapin dahil gusto mong may pinagtatawanan. Sana hahanapin mo ako dahil mahal mo ako. SAna hahanapin mo ako dahil gusto mong may makakwentuhan ng seryoso, gusto mong intindihin ang aking mga sakit at galak, gusto mong alagaan ang payasong pinagtatawanan ng mga tao.
Maging anghel ka. Liparin mo ang langit. Pasukin mo ang lagusan ng impyerno. Hanapin mo ako sa Lawa ng Apoy. Hagkan mo ako at ilipad muli sa langit yakap-yakap ang payasong nagmamahal sa piling mo.
para sa isang taong kapangalan ang isang anghel
MISSING YOU SO MUCH
June 3rd, 2005 by collegemirandaGusto kitang makasama ngayong gabi.
Gusto kita makitang pumikit at huminga.
Gusto kong maamoy kung anong brand ng shampoo ang ginamit mo kanina. Kung bagong ligo ka ba o kung kaninang alas-seis ng umaga ka pa huling naligo.
Tumutubo na ba balbas mo? Tara, ahitin natin!
Kung naandito ka lamang sa tabi ko ngayon, mamasahiin kita. Lalagyan kita ng Nivea Moisturizing Body Oil at sisimulang diinan ang aking mga daliri sa pagod mong likod.
Aamuyin ko ang iyong leeg, kili-kili, dibdib at tiyan. Didilaan ko ang lahat ng parte ng katawan mo. Hahalikan ko ang mga labi mo hanggang sa maglapat at magbuhol ang ating dila.
Sabi nila, ang bunganga ang pinakamaruming parte ng katawan pero para sa akin ito ang pinakamalinis, pinakamabango at pinakamamahal kong parte ng itong katawan.
Sa bungangang ito dumadaloy ang masasamyo mong salita para sa akin.
Sa bungangang ito naririnig ko ang kampana ng simbahan at kanta ng mga anghel sa langit.
Sa bungangang ito naaamoy ko ang wagas mong pagmamahal sa akin.
Kung ito may marumi, lilinisin ko ito.
Kung andito ka lamang sa tabi ko.